PAGKAKAPE BAGO UMALIS
narito't nagpainit ng tubig
upang magkape bago umalis
kapaligiran ay anong lamig
ngunit naligo rin at nagbihis
sadyang anong sarap ng sinangrag
na aking kinape ng umaga
ramdam na ang loob ay panatag
habang nasa diwa'y sinisinta
tara, magkape bago lisanin
ang nayon patungong kalunsuran
huwag ding kalimutang kumain
maglakbay ng may laman ang tiyan
salamat sa masarap na kape
pampagising lalo't bibiyahe
- gregoriovbituinjr.
06.27.2025
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/1Ceqf1uadF/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento