sabik na akong makita ang mga kalapati
na dapat lumaya sa hawlang lungkot ang sakbibi
dapat ilipad ang pakpak sa araw man o gabi
pagkat sila'y di dapat sa hawla na'y nabibigti
kalapati'y sagisag ng isang malayang ibon
tulad din ng taong di dapat alipin sa mansyon
malayang gumawa't makahanap ng malalamon
malayang mag-isip, sa hawla'y di nagpapakahon
kalapati nawa'y makalipad sa himpapawid
at mga tali sa paa'y tuluyan nang mapatid
dapat ay malalaya na silang magkakapatid
pagkat sa kapayapaan sila ang tagahatid
o, mga kalapati, patuloy kayong lumipad
kung may natatanaw kayong sa digmaan sumadsad
dalhin sa tao ang kapayapaang hinahangad
at kasakiman sa puso'y durugin at ilantad
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kamatayan ng dalawang boksingero
KAMATAYAN NG DALAWANG BOKSINGERO dalawang namatay na boksingerong Hapon kapwa bente otso anyos ang m ga iyon ito'y sina super featherwei...

-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
PAGDALAW SA MGA BILANGGONG PULITIKAL sumama kami tungong bilibid binisita ang mga kapatid at kasamang doon nangabulid pamaskong handog ang i...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento