Biyernes, Hunyo 27, 2025

Kahig at tuka

KAHIG AT TUKA

inahin at kanyang inakay
ay kahig ng kahig sa lupa
pagkain ang hanap na tunay
silang sangkahig at santuka

sa kanila nga raw kinuha
yaong sikat na talinghaga
sa buhay ng dalitang masa
ang "isang kahig, isang tuka"

ako naman, aklat ko'y iba
ang "Isang Kabig, Isang Tula"
na paglalarawan sa dusa
ng maralita't manggagawa

ngayon ako nga'y napatitig
sa inahing kahig ng kahig

- gregoriovbituinjr.
06.27.2025

* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/12Mr64sdXUS/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang pusà sa bintanà

ANG PUSÀ SA BINTANÀ kung siya'y akin lang matatanong kung bakit naroon sa bintanà baka siya'y agad na tumugon: "Gutom na ako. P...