Lunes, Nobyembre 10, 2025

At muling nangalampag si Uwan sa bahay ni Juan

AT MULING NANGALAMPAG SI UWAN SA BAHAY NI JUAN

ngayong lamang, muling nanalasa si Uwan
kinalampag ang bubong ng bahay ni Juan
maririnig mo ang rumaragasang hangin
na tila ba bahay ay kanyang lalamunin

buti't bubong ng bahay pa rin ay matibay
kinakaya si Uwan na kaytinding tunay
tila ba tayo'y pilit niyang nilulupig
tila ba ulan at hangin ay nagniniig

anong gagawin natin kundi ang magbasa
ng aklat, o magsalin ng asignatura
basta tiyaking gamit ay di mababasâ
kaya maging alerto lagi't maging handâ

sige lang, Uwan, ilabas mo ang galit mo
habang galit ng bayan, ilabas ding todo
sa mga kurakot, dapat silang masingil
silang kawatan sa pondo'y dapat mapigil

- gregoriovbituinjr.
11.10.2025

* mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://web.facebook.com/share/v/1BqXsyJAiF/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

At muling nangalampag si Uwan sa bahay ni Juan

AT MULING NANGALAMPAG SI UWAN SA BAHAY NI JUAN ngayong lamang, muling nanalasa si Uwan kinalampag ang bubong ng bahay ni Juan maririnig mo a...