KAYA DAPAT RESIGN ALL, REP. CERDAÑA
mali talaga ang Marcos Resign lang, Rep. Cerdaña
dapat RESIGN ALL ang panawagan, mag-resign lahat
Marcos Singilin! Duterte Panagutin ang chanting
ng marami, dapat ang bayan dito na'y magising!
huwag na tayong papiliin sa dalawang paksyon
ng naghaharing dinastiyang pamilya sa ngayon
dalawa silang dapat kapwa usigin ng bayan
sa mga katiwaliang ginawa nila naman
di maipaliwanag ang milyon-milyong ginastos
sa labing-isang araw, di ba, Sara Jane Piattos
ugali pang magbantang may ipapapatay siya
ganyan ba? benggador ang lider na nais ng masa?
nilagdaan yaong batas na siyamnapu't siyam
na taon uupahan ng dayo ang kalupaan
natin, ng bansa, animo'y ibinenta na tayo
ipinagkanulo na ang bayan sa mga dayo
kaya dapat panawagan sa Setyembre twenty-one
ay RESIGN ALL, kapwa usigin ang dalawang iyan
di sapat ang Marcos Resign kundi Sara Resign din
RESIGN ALL! iyan ang wastong panawagan ng masa
- gregoriovbituinjr.
09.20.2025
* ulat mula sa pahayagang Philippine Daily Inquirer, 09.19.2025
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento