KADAKUON 8.8 NA LINDOL SA RUSYA
kadakuon walo punto walo
ang lakas ng pagyanig sa Rusya
kaya sadyang pinakaba tayo
sa lindol sa tangway ng Kamchatka
pang-anim sa lindol na kaylakas
umano ito sa kasaysayan
buting maghanda ang Pilipinas
kung sa atin may epekto naman
lumikas ang nasa tabing dagat
sa pampang ng Dagat-Pasipiko
pansamantala, pagkat kaybigat
kung may tsunaming dadako rito
ang Fukushima'y alalahanin
may lindol, mayroon pang tsunami
mabuting handa ang bansa natin
kung iyan sa atin ay sumagi
- gregoriovbituinjr.
07.31.2025
* ulat mula sa pahayagang Bulgar at Abante, Hulyo 31, 2025
* ang Kadakuon ay magnitude sa salitang Hiligaynon, ayon sa Google Translate:
* tangway - peninsula
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento