TUMANOG
nagisnan muli'y bagong salita
sa palaisipang inihandog
nabatid nang sinagutang sadya
iyang duwende pala'y tumanog
duwende'y tila wikang Kastila
at tumanog ay wikang Tagalog
sadyang mayaman ang ating wika
pag kinain ay nakabubusog
sa krosword maraming natatampok
na katagang animo'y kaylalim
na dapat namang ating maarok
at tila rosas na sinisimsim
sariling wika'y ating gamitin
sa mga kwento, tula't sanaysay
katha ng katha ng katha pa rin
hanggang mga akda'y mapaghusay
- gregoriovbituinjr.
05.12.2025
* palaisipan mula pahayagang Pilipino Star Ngayon, Mayo 12, 2025, p. 11
Lunes, Mayo 12, 2025
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paalala sa publiko
PAALALA SA PUBLIKO palasak ang No ID, No Entry saanmang tanggapan o gusali n'ung pandemya, No Facemask, No Entry sa opis, mall, ...
-
ANONG PAMALIT SA KANIN? anong magandang kainin na ipampalit sa kanin? sabihin mo nga sa akin baka payo mo'y magaling mataas daw ang suga...
-
KAPITKAMAY kapitkamay tayo, aking mahal narito man tayo sa ospital kapitkamay tayo, aking mahal sana dito'y hindi na magtagal makakaraos...
-
sabik na akong makita ang mga kalapati na dapat lumaya sa hawlang lungkot ang sakbibi dapat ilipad ang pakpak sa araw man o gabi pagkat s...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento