Lunes, Enero 20, 2025

Katha lang ng katha

KATHA LANG NG KATHA

katha lang ng katha
ang abang makata
anuman ang paksa
kanyang itutula

sulat lang ng sulat
ang makatang mulat
anuman ang ulat
na sumasambulat

isinasatitik
ang anumang hibik
gamit ang panitik
kahit walang imik

pag may masasabi
araw man o gabi
kakathang maigi
yaong nalilimi

pluma'y gagamitin
upang bumanat din
trapo'y kastiguhin
kuhila'y lupigin

- gregoriovbituinjr.
01.20.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Total lunar eclipse sa Marso 3, 2026

TOTAL LUNAR ECLIPSE SA MARSO 3, 2026 napabalita sa isang pahayagan total lunar eclipse ay masasaksihan at makikita natin sa kalawakan isang ...