Biyernes, Mayo 24, 2024

Muling lumahok sa rali

MULING LUMAHOK SA RALI

muli akong nagtungo sa rali
at lumahok sa masang kayrami
dito'y pinakinggan kong mabuti
ang mga talumpati't mensahe

mga sagigilid ang kasama
manggagawa, dukha, aping masa
panawagan: Sahod, Hindi ChaCha!
Hustisyang Pangklima, Hindi Gera!

isinigaw doon sa Senado:
itaas ang sahod ng obrero!
ayaw sa isandaang porsyento
na mag-ari sa bansa ang dayo!

Climate Justice, at hindi Just-Tiis!
ang climate change ay napakabilis!
tanggalin ang mga EDCA bases!
h'wag sumali sa Gera ng U.S.!

ilan ito sa isyu ng bayan
na dapat mabigyang kalutasan
para sa makataong lipunan
para sa patas na kalakaran

- gregoriovbituinjr.
05.24.2024

* sagigilid - marginalized
* litratong kuha ng makatang gala sa harap ng Senado, 05.22.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tutulâ, tulalâ

TUTULÂ, TULALÂ ako'y isang makatâ  laging tulâ ng tulâ  madalas na'y tulalâ nang asawa'y nawalâ palaging nagmumuni tititig sa ki...