Martes, Setyembre 12, 2023

Patas, patis, patos

PATAS, PATIS, PATOS

PATAS
nais ko'y isang patas
na lipunan, parehas
ang palakad at batas
nang walang aliwaswas

PATIS
nalasahan ng dila
ang patis sa nilaga
pinasarap na sadya
at busog ang napala

PATOS
pinatos ang dalaga
na bagong kakilala
akala'y bagong sinta
ngunit bayaran pala

* Tatlong tanaga ni gregoriovbituinjr.
09.12.2023

* aliwaswas - katiwalian, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p.37

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Traysikel 349 at Pepsi 349

TRAYSIKEL 349 AT PEPSI 349 muling pumasok sa diwa ang Pepsi Cola dahil sa traysikel na nasakyan kanina number  three-four-nine  ang nagpasik...