Miyerkules, Pebrero 1, 2023

Talambuhay

TALAMBUHAY

i

talambuhay ng personaheng tanyag noon
ay naisipan kong basa-basahin ngayon
ano ang sa pagkatao nila'y mayroon?
o pinaggagawa sa kanilang panahon"
ang buhay kaya nila'y isang inspirasyon?

mga katanungang sa diwa'y nadalumat
kaya tinyagang basahin ang mga aklat
bakit talambuhay nila'y dapat mabuklat?
anong bang aral ang dito'y mabubulatlat?
sambayanan kaya sa kanila'y mamulat?

ii

talambuhay ng limang banyaga'y nilibro
sa tindahan ng murang aklat nabili ko
sa BookSale ay nakatipid kahit paano
bakasakali lang may matutunan dito

- gregoriovbituinjr.
02.01.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Libangan sa ospital

LIBANGAN SA OSPITAL buti't nakabili ng  Fill In  na palaisipan nang minsan sa  BookSale  ako roon ay mapadaan kaya habang bantay sa asaw...