Miyerkules, Pebrero 10, 2021

Ang mariposa

isang mariposa'y napadikit
tila sa damit nga'y nangunyapit
nangingitlog nga ba itong pilit
at umiiyak na parang paslit

kaysarap masdan ng mariposa
lalo't nakaaaliw sa mata
ang pagpagaspas ng pakpak niya
at kulay na matingkad na pula

kundi man siya napapaindak
buntis kaya siya't manganganak
at sa sinampay nga napasadlak
doon gagawin ang binabalak

mariposa sana'y magtagumpay
sa plano kahit di mapalagay

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Managot kayong mga kurakot

MANAGOT KAYONG MGA KURAKOT ‎ ‎O, kayong mga pulitiko ‎na aming mga ibinoto ‎nagkamali kami sa inyo ‎kung kayo'y kurakot sa pondo ‎ng bay...