Martes, Disyembre 8, 2020

Paghandaan ang Climate Emergency

paghandaang mabuti
ang climate emergency
nang tayo'y di magsisi
doon sa bandang huli

karapatan ng madla
kagalingan ng kapwa
kaligtasan ng dukha
at mga manggagawa

ang klima'y nagbabago
sistema'y di mabago
tao'y natutuliro
pag bumaha't bumagyo

kung pagbabago ay change
at sukli sa dyip ay change
nais nati'y system change
at di iyang climate change

minsan di mapakali
kaya bago magsisi
paghandaang maigi
ang climate emergency

- gregoriovbituinjr.

* Kuhang litrato ng makatang gala sa Urban Poor Assembly ng Disyembre 7, 2020 sa Bantayog ng mga Bayani

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Naninilay

NANINILAY baka magdyanitor na sa ospital paraan ng pagbabayad ng utang para lang kay misis na aking mahal para may iambag kahit munti man la...