nais kong magbaril sa pagitan ng mga mata
upang matapos na ang paghihirap sa tuwina
ngunit pag nangyari ito, ako'y katawa-tawa
pagkat di ito gawain ng isang aktibista
di ba't niyakap ko'y hirap at simpleng pamumuhay
nakibaka, nabugbog sa rali, at nagkapilay
minsan nang nakulong, natortyur, sakbibi ng lumbay
dahil lang sa hirap, ngayon pa ba ako bibigay
pinapataas ko lang ngayon ang sariling moral
ngunit hanggang kailan kaya ito magtatagal
pakiramdam ko'y sampid na di na kayang umatungal
di na mawari bakit di dapat magpatiwakal
tila kakampi ko na lang ay ang aking panulat
puno ng harayang di ko batid saan nagbuhat
ako ba'y hangal na laman ng puso'y di mabuklat
o ako'y inutil na mata'y di na makamulat
- gregbituinjr.
03.13.2020 (Friday the 13th)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa isang forum
SA ISANG FORUM Sa Buwan ng Wikang Pambansâ Inglesan sila ng Inglesan. Ang turing kaya nila'y bakyâ Ang sariling wikà ng bayan? ...
-
BAWAL MAGYOSI "Saan ang smoking area n'yo dito?" kanyang tanong "Doon ho! Mga limang milya mula dito!" tugon sa ka...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...
-
natatanaw mo ba ang pagsusungit ng panahon? paano siya magsungit, nahan ang mukha niyon? nakasimangot ba o nanggagalaiti iyon? sa galit k...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento