lumipad akong kaytulin tulad ng ipuipo
bakasakaling di na ako abutan ng bagyo
habang nagniningning ang alitaptap sa dulo
ng ilang na patutunguhan ay di mo makuro
sumpa man, di ako si Batman, at di rin si Robin
lalo na't di ako ang kalaban nilang si Penguin
isa lang akong hampaslupang walang lupang angkin
o kaya'y dukhang sa di ko lupa inaalipin
yaring puso kong nasasaktan ay nais mag-amok
di ko maawat, ayaw paawat, nais manapok
ngunit bakit naglipana ang laksa-laksang lamok
gabi na pala't tinatablan na ako ng antok
magtitimpla muna ako ng mainit na kape
dapithapon pa lang ngunit animo ito'y gabi
mabibitag ko pa kaya ang mapanirang peste
bakasakaling ang kabukirang ito'y bumuti
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ligalig
LIGALIG Kahapon, Nobyembre 13, alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay nagtungo na ako sa Lung Center sa Quezon Avenue upang pumila sa PCSO...
-
KALAT AT DUMI animo ang kalsada'y luminis ang nasabi sa akin ni misis bagyong Carina na ang nagwalis gabok, basura't dumi'y inal...
-
SALIN NG AKDA NI HEMINGWAY nakita kong muli sa munti kong aklatan akda ni Hemingway sa buhay-karagatan ang "The Old Man and the Sea&qu...
-
paglalaba'y panahon ng pag-iisip ng akda samutsaring isyu't problema'y suriin ng diwa kukusutin ang kwelyo'y may sasaglit ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento