minsan, maiinis ka talaga sa sarili mo
na maiisip mong sapakin ang panga mo't ulo
bakasakaling magtanda ka sa ginagawa mo
at mapanuto ang sarili sa tama o wasto
subalit bakit sasaktan ang sariling kalamnan
masokista ka ba't sinasaktan ang katauhan
maiinis ka minsan sa iyong kapaligiran
kaya nais mong magwala o mawalang tuluyan
kinakailangan ding habaan itong pasensya
upang makapag-isip ng wasto't anong taktika
upang malutas ng mahinahon iyang problema
upang magawang paraang baguhin ang sistema
talagang minsan, ang sarili mo'y nakakainis
ngunit isipin mo ring problema mo'y mapapalis
kailangan ng kaunting tiyaga't pagtitiis
malulutas din ang problemang sa iyo'y tumiris
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Bili na po kayo ng aking libreto
BILI NA PO KAYO NG AKING LIBRETO Nabubuhay ako bilang manunulat. Bili na po kayo ng munti kong aklat. Bagamat mura lang, paksa'y m...
-
ANONG PAMALIT SA KANIN? anong magandang kainin na ipampalit sa kanin? sabihin mo nga sa akin baka payo mo'y magaling mataas daw ang suga...
-
BAWAL MAGYOSI "Saan ang smoking area n'yo dito?" kanyang tanong "Doon ho! Mga limang milya mula dito!" tugon sa ka...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento