Huwebes, Marso 12, 2026

Silent - Listen; Silence - License

SILENT - LISTEN; SILENCE - LICENSE
‎pag nirambol ang titik ng isang salitâ
‎ay may mabubuo kang iba pang katagâ
‎ang SILENT ay LISTEN, makinig nang tahimik
‎at ang napakinggan ay maisasatitik
‎ang SILENCE ay LICENSE, tahimik magmaneho
‎may lisensya, pag nahuli'y maaayos mo
‎tingni ang salitang pag nirambol, THREE is THERE
‎if you WON, you OWN it NOW, pati ERAAREEAR
‎paano mo ma-COMPILE ang mga POLEMIC
‎paano i-DRAW ang WARD na talagang siksik
‎paano mo i-SHOUT sa SOUTH, hindi THORN ang NORTH
‎dapat sa TOPS ng POTSSTOP ang POST sa SPOT
‎sabi ko nga, COULD CLOUD HATE the HEAT, isang tanong
‎ilang PIECES ang SPECIE, isa pang tanong
‎minsan nga'y nakakapagod din ang ganito
‎mabuti pa kayâ, maglaro na lang tayo
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.12.2026
‎* mga litrato mulâ sa larong Word Connect sa selpon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Silent - Listen; Silence - License

SILENT - LISTEN; SILENCE - LICENSE ‎ ‎pag nirambol ang titik ng isang salitâ ‎ay may mabubuo kang iba pang katagâ ‎ang  SILENT  ay  LISTEN ,...