SI BULAKNA
black belter umano sa arnis si Bulakna,
isang babaylan, mandirigmâ, makatâ pa,
at kay Lapulapu ay butihing asawa,
babae, pinunô, ating bigyang halaga
nakita sa eksibit ni Kidlat Tahimik
nang mata ko'y imulat, di na maipikit
si Bulakna pala sa arnis ay kaylupit
pangalan niya sa kasaysayan igiit
dapat pa tayong magsaliksik ng ganito
dapat pa nating saliksikin ang ganito
tagong kasaysaya'y halungkating totoo
ngala'y idagdag sa bayaning Pilipino
O, Bulakna, pangalan mo'y isinadiwà
sa Mactan ay isa kang bayaning dakilà
kaylaki ng papel ng babae sa bansâ
"Bayani ng Arnis", itatawag kong sadyâ
- gregoriovbituinjr.
03.19.2026
* mga litrato kuha ng makatâ noong Marso 15, 2026 sa MET
Huwebes, Marso 19, 2026
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nang hinuli ang mga hubad
NANG HINULI ANG MGA HUBAD Kay Balagtas: Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad sa bait at muni, sa hatol ay salat. Ngayon: Dah...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...
-
AWIT SA KAPAYAPAAN Inawit noon ni John Lennon: "All we are saying is give peace a chance." Inaawit ko naman ngayon: "Ang nais...
-
PAGDALO SA AWIT AT AKSYON KONTRA KORAPSYON SA QC CIRCLE Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. Nakita ko ang patalastas ng Pama...



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento