Martes, Pebrero 17, 2026

Kapanatagan o dalamhati?

KAPANATAGAN O DALAMHATI?

madalas daw akong nakikitang tahimik
nakatanaw sa kawalan, di humihibik
may nararamdaman kayang nakasasabik?
panatag ba ang pusò kaya walang imik?

ah, di nila batid kung di ako kilala
o di naman talaga kami nagkasama
loob ko ba'y panatag nang makita nila?
kapanatagan na ba dahil tahimik ka?

sa mga nakakakilala, dalamhati
yaring nadarama, kaya tahimik lagi
baka di pa mahabang panahon ang susi
upang kapanatagan ay damhing masidhi

tahimik at di nagsasalitâ, tulalâ
di iyan kapanatagan ng puso't diwà
bagamat sa rali madalas magsalitâ
sa isyu'y nagningitngit, puso'y lumuluhà

- gregoriovbituinjr.
02.17.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Dalawang daiit na napapanahon o hinggil sa panahon

Di pa kaya kayo galit sa aking dalawang dalit? Mga tiwaling kaylupit, pera ng baya'y inumit! DALAWANG DALIT NA NAPAPANAHON O HINGGIL SA ...