RICE SA TAGALOG: PALAY, BIGAS O KANIN?
sa naritong tanong ay agad natigilan
sa krosword na sinasagutan kong maigi
dahil may tatlong sagot pag pinag-isipan
lalo kung ating batid ang wikang sarili
sa Labingsiyam Pahalang: Rice sa Tagalog
limang titik, alin? PALAY, BIGAS o KANIN?
mga katutubong salitang umimbulog
na madali lang kung ating uunawain
sa naga-unli rice, KANIN agad ang tugon
sa nagtatanim, baka isagot ay PALAY
sa negosyante ng bigas, BIGAS na iyon
mga salita nating kaysarap manilay
teknik dito'y sagutan muna ang Pababâ
kung sa Walo Pababâ, sagot ay Naisin
sa tanong na Hangarin, tutuguning sadyâ
ang panglimang letra'y "I", kaya sagot: KANIN
- gregoriovbituinjr.
01.01.2026
* krosword mula sa pahayagang Pang-Masa, Disyembre 17, 2025, p.7
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Awit sa sinta
AWIT SA SINTA ang pagmamahal ko'y hanggang langit ikaw lang ang pinakaiibig alaala't larawan mo'y bitbit sa aking pusò, d...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...
-
PINUNTAHANG DALAWANG BUROL SA LOOB NG TATLONG ARAW Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Linggo, Pebrero 15, 2026, pinuntahan ...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento