Lunes, Enero 5, 2026

Kaypanglaw ng gabi

KAYPANGLAW NG GABI

ramdam ko ang panglaw ng gabi
lalo ang nagbabagang lungkot
sa kalamnan ko't mga pisngi
na di batid saan aabot

may hinihintay ngunit walâ
subalit nagsisikap pa rin
sa kabila ng pagkawalâ
ng sintang kaysarap mahalin

tila ba gabi'y anong lamlam
kahit maliwanag ang poste
at buwan, tila di maparam
ang panglaw at hikbi ng gabi

sasaya ba pag nag-umaga?
o gayon din ang dala-dala?

- gregoriovbituinjr.
01.05.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Aralin ang bilnuran - tanaga-baybayin

aralin ang bilnuran upang sa sukli't bayad sa dyip na sinasakyan matiyak tamang lahat gbj/01.07.2026 * bilnuran - aritmetika * ambag sa ...