DAPAT PALA'Y MAY ALAM DIN SA GEOGRAPHY
higit sa sampung tanong / hinggil sa mga lugar
sa bansa't ibang bansâ / sa krosword ay tinugon
kayâ ang geography / ay dapat nating alam
o kaya'y sa krosword na / natin natututunan
Siam ang dating ngalan / ng kapitbansang Thailand
may lungsod din ng Reno / sa Nevada, U.S.A.
at lugar na sa bansâ / ang karamihang tanong
na agad naman nating / talagang sinagutan
naroroon sa Pasay / ang airport ng NAIA
Glan ay sa Saranggani, / di sa South Cotabato
ang bayan ng Panabo, / nasa Davao del Norte
ang bayan ng Maasin / ay nasa Southern Leyte
ang Angat sa Bulacan, / Minglanilla sa Cebu
Pili, Camarines Sur, / Panguntaran sa Sulu
bayan ng Aliaga / sa Nueva Ecija
may Lian sa Batangas / at marami pang iba
may bayan ng Anilao, / di lamang sa Batangas
kundi sa Iloilo, / Oton din ay narito
pagkaminsan talaga / ay sa palaisipan
may dagdag-kaalaman, / may bagong natutunan
- gregoriovbituinjr.
01.24.2026
* krosword mulâ sa pahayagang Remate, Enero 17, 2026, p.10

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento