Miyerkules, Nobyembre 5, 2025

Pagpapakain sa iba pang pusà

PAGPAPAKAIN SA IBA PANG PUSÀ

batid daw ng pusà kung sino ang mabait
na maaaring magpakain sa kanila
minsan, darating ako, sila'y nakatingin
baka may pasalubong akong tira-tira

mahirap din namang sila'y ipagtabuyan
natutuwa nga ako't may sumasalubong
pag-uwi ko galing sa maraming lakaran
natirang ulam bigay ko sa mga iyon

pag bibili o magluluto ng pagkain
iniisip na ring sa kanila'y magtira
kaya di lang ako ang kakain, sila rin
lalo't sa kalsada lang sila nakatira

ibinubulong ko nga sa kanila lagi
bantayan ang bahay, may dala akong ulam
na basta meron ako, sila'y kabahagi
tiyak, gagaan na ang aking kalooban

- gregoriovbituinjr.
11.05.2025

* mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/1W2NKyeJLn/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bulugan at butakal

BULUGAN AT BUTAKAL Labingwalo Pababa, ang tanong: Barakong baboy , sagot ko dapat Bulugan , subalit ang lumabas Butakal , mayroon palang gan...