ANG BUHAY AY ISANG PAGLALAKBAY
ang buhay ay isang paglalakbay
tulad ng kinathang tula'y tulay
sa pagitan ng ligaya't lumbay
sa pagitan ng bulok at lantay
sa pagitan ng peke at tunay
nilalakad ko'y mahabang parang
lalampasan ang anumang harang
pahinga'y adobo at sinigang
muli, lakad sa gubat at ilang
bagamat sa araw nadadarang
tao'y pagkasanggol ang simulâ
sunod mag-aaral mulâ batà
hanggang magdalaga't magbinatâ
ikakasal habang talubatâ
panaho'y lilipas at tatandâ
ang mahalaga rito'y paano
isinabuhay kung anong wasto
lalo na sa pagpapakatao
at pakikipagkapwa sa mundo
habang ginagawa anong gusto
di ang pagkamal ng kayamanan
o ng pribadong ari-arian
na kinurakot sa kabang bayan
yamang pagkatao'y niyurakan
yamang di dala sa kamatayan
- gregoriovbituinjr.
11.04.2025
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nang hinuli ang mga hubad
NANG HINULI ANG MGA HUBAD Kay Balagtas: Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad sa bait at muni, sa hatol ay salat. Ngayon: Dah...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...
-
3 LIBRETO NG TUL Â SA 3 TAON Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Mula 2006 ay nakapaglathala na ako ng mga aklat. Una na an...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento