Lunes, Oktubre 13, 2025

Sa sinta

SA SINTA

oo, matatag ako pagdating sa rali
subalit ako'y tumatangis gabi-gabi
tula't rali lang ang bumubuhay sa akin
minsan, nais kong kumain, di makakain

subalit ganito lang ako, aking sinta
habang patuloy na nagsisilbi sa masa
hamo, balang araw, magkikita rin tayo
pag umabot sa edad na pitumpu't pito

o marahil walumpu't walo, o di kayâ
sandaang taon, kahit abutin ng sigwâ
nais ko pa kasing may nobelang matapos
tungkol sa mundo ng maralita't hikahos

kung paano gibain ang sistemang bulok
upang uring obrero'y ilagay sa tuktok
nagkakilala naman tayong ako'y tibak
na pinagtatanggol ang mga hinahamak

siyang tunay, lalagi ka sa aking pusò
ako'y ganoon pa rin naman, walang luhò
sa katawan, naaalala kitang lagi
iniibig ka pa rin ng pusò kong sawi

- gregoriovbituinjr.
10.13.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa sinta

SA SINTA oo, matatag ako pagdating sa rali subalit ako'y tumatangis gabi-gabi tula't rali lang ang bumubuhay sa akin minsan, nais ko...