BAHA SA TAPAT NG BAHAY
kaylalaki ng patak ng ulan
dito pa rin ba'y ghost ang flood control?
tingni, nagbaha na sa lansangan
flood control ba'y paano ginugol?
batid na ng bayan ang korapsyon
na likha ng mga lingkodbayan
talagang loko ng mga iyon
ibinulsa ang pera ng bayan
ay, wala ba silang mga budhi
kung meron man, budhi'y sakdal itim
dapat nang lunurin sa pusali
silang budhi'y kakulay ng uling
sa lumalaban, ako'y saludo
upang mabago na ang sistema
itayo'y lipunang makatao
mga kurakot, parusahan na!
- gregoriovbituinjr.
10.10.2025
* mapapanood ang bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/reel/2353627365076958
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pag Biyernes, ikalima ng hapon sa Edsa Shrine
PAG BIYERNES, IKALIMA NG HAPON SA EDSA SHRINE ilang Biyernes ng gabi na bang ako'y tumulâ sa Edsa Shrine na ang kasama'y ilang kaba...
-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento