Huwebes, Setyembre 11, 2025

Sa ika-3 death monthsary ni misis

SA IKA-3 DEATH MONTHSARY NI MISIS

hanggang ngayon, puso'y humihikbi
ngunit pagsinta'y nananatili
pagkawala niya'y anong sidhi
tila ako'y nawalan ng sanhi
upang mabuhay, subalit hindi

di dapat mawalan ng pag-asa
balang araw nama'y magkikita
sa kalangitan nitong pagsinta
ngunit malayo pa, malayo pa
abala pa kapiling ng masa

mamaya na naman, nasa rali
magtatalumpati, laging busy
tula sa masa't sa'yo, Liberty
ay aking kinakatha parati
love you pa rin, mahal kong Liberty

- gregoriovbituinjr.
09.11.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa ika-3 death monthsary ni misis

SA IKA-3 DEATH MONTHSARY NI MISIS hanggang ngayon, puso'y humihikbi ngunit pagsinta'y nananatili pagkawala niya'y anong sidhi ti...