Miyerkules, Setyembre 3, 2025

Minsan, dagat ang pagsusulat ng sanaysay

MINSAN, DAGAT ANG PAGSUSULAT NG SANAYSAY

minsan, dagat ang pagsusulat ng sanaysay
lalo't sa sariling karanasan binatay
malalim at mapanglaw pag iyong nanilay
basta't pag iyong binasa'y di mauumay

ang sanaysay nga ba'y madali lang sulatin?
oo, kung sa sarili mong danas nanggaling
kung anong nababatid mo'y iyong akdain
anong nasa isip mo'y isalaysay lang din

tulad ng awit ng ibon sa himpapawid
tulad din ng pag-awit ng mga kuliglig
isulat mo lamang ang iyong nababatid
sa tanghaling tapat man o gabing malamig

malupit ay tanggalan ng sungay at buntot
pati trapong sa flood control ay nangurakot
pati oligarkiyang pawang mapag-imbot
na sa pakikipagkapwa man ay maramot

ay, sangkatutak ang paksang maisusulat
kahit isulat mo'y samutsaring alamat
kathain mo rin anumang maisusumbat
sa mga trapong sa bayan ay nagkakalat

- gregoriovbituinjr.
09.03.2025

* litrato mula sa app na Word Connect

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tularan si Eurytus, hindi si Aristodemus

TULARAN SI EURYTUS, HINDI SI ARISTODEMUS dalawang  Spartan  ang pinauwi ni  Haring Leonidas  ng  Sparta parehong sakit sa mata ang sanhi na ...