Martes, Agosto 26, 2025

Salabat at pandesal

SALABAT AT PANDESAL

salabat at pandesal
sa umagang kayganda
kaysarap na almusal
at nakabubusog pa

kay-aga kong nagmulat
at nagtungong bakery
nag-init ng salabat
pandesal ay binili

ako lang ang kumain
mag-isang nag-agahan
mamaya'y susulatin
ko'y santula na naman

salamat sa salabat
pampaganda ng tinig
sa pandesal, salamat
pampagana ng tindig

- gregoriovbituinjr.
08.26.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa isang forum

SA ISANG FORUM ‎ ‎Sa Buwan ng Wikang Pambansâ ‎Inglesan sila ng Inglesan. ‎Ang turing kaya nila'y bakyâ ‎Ang sariling wikà ng bayan? ‎ ‎...