ESPOSAS
sa wikang Kastila pala'y dalawa
ang ibig sabihin nitong esposas
ito'y posas at maraming asawa
sa atin, mas asawa ang nawatas
ngayong Buwan ng Wika'y pag-usapan
paano nga ba iyan naisalin
lumaganap sa panahong nagdaan
hanggang buong bayan ito'y gamitin
magkaroon ba ng asawa'y posas
piniit ka sa kontrata ng kasal
wala kang kawala't di makalabas
hanggang sa tumanda't kayo'y magtagal
esposa, posas, laro ng salita
halaw na wika'y hindi na naalis
nananatili, at nauunawa
ng mamamayan, di lang ng marites
- gregoriovbituinjr.
08.13.2025
* ulat mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Agosto 12, 2025, p.5
Miyerkules, Agosto 13, 2025
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Hangin
HANGIN tila may dumamping hangin sa pisngi amihan, habagat, may unos muli? ang kalagayan ko'y pinagbubuti upang sa ginagawa'y manati...

-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
PAGDALAW SA MGA BILANGGONG PULITIKAL sumama kami tungong bilibid binisita ang mga kapatid at kasamang doon nangabulid pamaskong handog ang i...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento