NAKAPAPASONG INIT SA PANGASINAN
klase'y sinuspinde sa Pangasinan
dahil sa grabeng init ng panahon
nauna na ang Lungsod ng Dagupan
at mga katabing bayan pa roon
San Fabian, Rosales, Santa Barbara
Manaoag, Bautista, San Carlos City
pati Jacinto, Labrador, Basista
ang Bayambang pa't Urdaneta City
nakapapasong init tumatagos
magklaseng face-to-face na'y walang silbi
abot kwarenta'y singko degrees Celsius
baka magkasakit ang estudyante
sa matinding init, ingat po tayo
ang klima na'y talagang nagbabago
- gregoriovbituinjr.
03.14.2025
* ulat mula sa pahayagang Abante Tonite, Marso 14, 2025, p.2
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa mga bagong pangalan sa Bantayog
SA MGA BAGONG PANGALAN SA BANTAYOG taaskamaong pagpupugay sa lahat ng mga bagong pangalang iuukit doon sa Bantayog ng mga Bayani sa Nobyemb...
-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento