97-ANYOS, LALAHOK SA RAPID CHESS
edad na siyamnapu't pitong anyos
ay isa nang malaking gantimpala
iyon pa kayang lalaban kang lubos
sa chess, aba'y sadyang kahanga-hanga
pagpupugay sa iyo, Tatay Domeng
na tatlong taon pa'y sandaan ka na
ilalabas mo pa ang iyong galing
sa torneo ng chess sa Marikina
nawa'y makamit mo sa iyong edad
ang unang pwesto sa larangan ng chess
pag nagkampyon ka, tunay kang mapalad
lalo't laro ng utak ang ahedres
salamat, isa ka nang inspirasyon
upang tularan ka ng kabataan
maabot ang edad mo'y aking layon
kaya sa chess ako na'y ginanahan
- gregoriovbituinjr.
03.08.2025
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Marso 7, 2025, p.12
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paunang Salita sa planong aklat na "Talambuhay ng Ilang Manunulat na Nagpatiwakal"
PAUNANG SALITA ni Gregorio V. Bituin Jr. Hindi ako sikolohista upang saliksikin at tipunin ang talambuhay ng mga manunulat na nagpatiwakal. ...
-
TABOL AT TANGLO nakita ko sa dalawang palaisipan ang mga salitang ngayon ko lang nalaman ang TABOL pala'y MASAMANG HANGIN SA TIYAN at...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...
-
AWIT SA KAPAYAPAAN Inawit noon ni John Lennon: "All we are saying is give peace a chance." Inaawit ko naman ngayon: "Ang nais...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento