TAMPIPÌ
sa krosword ko lang muling nakita
ang salitang kaytagal nawalâ
sa aking isip ngunit kayganda
upang maisama sa pagtulâ
labimpito pahalang: bagahe
at naging sagot ko ay: TAMPIPÌ
kaylalim na Tagalog kung tingni
na kaysarap bigkasin ng labì
sa Batangas ko unang narinig
sa lalawigan ng aking tatay
tampipì ang lagayan ng damit
maleta o bagahe ngang tunay
nababalikan ang nakaraan
sa nawalang salitang ganito
ay, salamat sa palaisipan
muling napapaalala ito
- gregoriovbituinjr.
01.18.2024
* krosword mula pahayagang Pilipino Star Ngayon, Enero 16, 2024, p.10
Sabado, Enero 18, 2025
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Hustisya kay Renee Nicole Good, raliyista!
HUSTISYA KAY RENEE NICOLE GOOD, RALIYISTA! bakit ba pinaslang ang isang raliyista kung trapiko lang ang sanhi kaya sinita dapat malaliman it...
-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento