Sabado, Nobyembre 2, 2024

Undas

UNDAS

inaalala ang mga patay 
mga nawalang mahal sa buhay
lalo na ang butihin kong tatay
na ngayong taon nawalang tunay

pagpanaw nila'y ginugunita
nadarama ang pangungulila
ipinagtitirik ng kandila
sa sementeryo't sa bahay pa nga

Itay, magkakasama na kayo
nina Tatang, Lola, Tiya, Tiyo
ngayong Undas po'y buong respeto
nasa puso't diwa namin kayo

sa inyo'y panalangin ang alay
ng inyong mga mahal sa buhay
na patuloy pa ring nagsisikhay
nang kamtin ang pangarap na tunay

- gregoriovbituinjr.
11.02.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Panalo ka pa rin, Alex Eala!

PANALO KA PA RIN, ALEX EALA! natalo ka man, panalo ka pa rin sa pusò ng madla't bayang magiliw sa ulat, dalawang kembot na lang daw at i...