Lunes, Oktubre 14, 2024

Naalimpungatan

NAALIMPUNGATAN

madaling araw na naman
sa tulog ay kasarapan
ngunit naalimpungatan
biglang bangon sa higaan

isulat ang nasa isip
iyon ang agad nalirip
anong nasa panaginip?
ah, ako'y muling iidlip

sa banig nakabaluktot
pagkat kay-ikli ng kumot
tila balisa't malungkot
ako ba'y binabangungot?

napatingin sa kisame
ano kaya ang mensahe?

- gregoriovbituinjr.
10.14.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang matulain

ANG MATULAIN tahimik na lang akong namumuhay sa malawak na dagat ng kawalan habang patuloy pa ring nagninilay sa maunos na langit ng karimla...