ANG LABAN NG TSUPER
ang laban ng tsuper, sabing mariin
ay laban ng konsyumer tulad natin
ang kanilang panawagan ay dinggin
at sa laban sila'y samahan natin
lalo na't tayo'y pasahero ng dyip
sa modernisasyon, sila'y nahagip
di tayo payag na ma-phase out ang dyip
na kasama na mula magkaisip
ang sabi pa, wala raw ibang ruta
kundi ang landas ng pakikibaka
sigaw nila: Prangkisa, Hindi ChaCha
sa kanila, ako'y nakikiisa
phase out ang sa kanila'y kumakatay
ngayon, mawawalan ng hanapbuhay
ang mga tsuper na di mapalagay
kaya dapat tulungan silang tunay
- gregoriovbituinjr.
05.25.2024
* litratong kuha ng makatang gala sa tarangkahan ng Senado, 05.22.2024
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Trapo at basahan
TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang a...
-
ANONG PAMALIT SA KANIN? anong magandang kainin na ipampalit sa kanin? sabihin mo nga sa akin baka payo mo'y magaling mataas daw ang suga...
-
sabik na akong makita ang mga kalapati na dapat lumaya sa hawlang lungkot ang sakbibi dapat ilipad ang pakpak sa araw man o gabi pagkat s...
-
NAGTAGPO SA PANULAT sa panulat tayo nagkita, aking musa sa aking mga kataga'y nilikha kita upang maging inspirasyon ka sa tuwina at sa p...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento