Martes, Abril 2, 2024

Inadobong isda

INADOBONG ISDA

daing at galunggong
bawang at sibuyas
may toyo pa't suka
lutong inadobo

dapat lang magluto
pag may iluluto
lalo't nagugutom
at nasisiphayo

nang may maiulam
sa kinagabihan
upang mga anak
ay di malipasan

inadobong isda
sa toyo at suka
nang dama'y ginhawa't
mabusog na sadya

aking ihahain
sa hapag-kainan
itong inadobong
kaysarap na ulam

katoto't kumpare
tara nang kumain
lalo't gumagabi
at nang di gutumin

- gregoriovbituinjr.
04.02.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kurakot na balakyot

KURAKOT NA BALAKYOT (alay sa unang Black Friday Protest 2026) bakit ang pondo sa ghost flood control  sa bulsa ng trapo'y bumubukol buwi...