Lunes, Pebrero 12, 2024

Kape't monay

KAPE'T MONAY

almusal tayo, kalakbay
mainit na kape't monay
loob mo'y mapapalagay
nakakawala ng lumbay

mamaya pa magkakanin
ngayon pa lang magsasaing
wala pa ring uulamin
bibilhin pa'ng lulutuin

kape ko'y may cream at gatas
naisip kong pampalakas
bago man tayo lumabas
sa gutom ay di manigas

kape't monay sa umaga
palaman ay kwentuhan pa
saanman tayo papunta
tarang mag-almusal muna

- gregoriovbituinjr.
02.12.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tuwing Biyernes

TUWING BIYERNES ‎ ‎sadyang di ko kinaliligtaan ‎tuwing Biyernes yaong usapan ‎ang ilunsad ang  Black Friday Protest ‎saanman tayo tuwing Biy...