Huwebes, Enero 5, 2023

Sibuyas

SIBUYAS
tila baga alahas
ang presyo ng sibuyas
sino kayang nagbasbas
sa presyong lampas-lampas
talagang lumalabas
na di sila parehas
gaano ba katigas
iyang mukha ng hudas
ito ba'y bagong landas
sa lupang dinarahas
aba'y di ito patas
sa madlang dusa'y wagas
di ba nila nawatas
baka masa'y mag-aklas

- gregoriovbituinjr.
01.05.2022

* litrato't ulat mula sa Abante, 12.28.2022, p.2

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Dalawang daiit na napapanahon o hinggil sa panahon

Di pa kaya kayo galit sa aking dalawang dalit? Mga tiwaling kaylupit, pera ng baya'y inumit! DALAWANG DALIT NA NAPAPANAHON O HINGGIL SA ...