Sabado, Marso 19, 2022
Upuan
napaupo ako sa upuan
napahiga ako sa higaan
napatayo ako sa tayuan
o kaya naman ay sa Tayuman
madalas nakakaupo sa dyip
lalo't barya lang ang halukipkip
madalas din doong managinip
kasama ang mutyang nasa isip
pinta sa upuan ay masdan mo
obra maestrang kayhusay, ano?
di basta matibag ng delubyo
pintang tila likha ng maestro
una ang kabayo sa kalesa
di ba? kaya di kalesa muna
dapat unawa itong talaga
lalo sa paggawa ng taktika
uupo tayo sa mga pulong
ng may kahandaan ng marunong
upang di tayo basta uurong
kung alam nating kayang sumulong
- gregoriovbituinjr.
03.19.2022
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Low carb diet
LOW CARB DIET sinimulan ang low carb, walang kanin ito na ngayon ang aking layunin mataas na sugar ay pababain isda't lunting gulay ang ...

-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
PAGDALAW SA MGA BILANGGONG PULITIKAL sumama kami tungong bilibid binisita ang mga kapatid at kasamang doon nangabulid pamaskong handog ang i...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento