SONETO SA PATATAS
mabuti't may mga patatas na marami-rami
na ngayong lockdown ay may makakain pa rin dini
lalo't sa kwarantinang ito'y di na mapakali
di basta makalabas, di ka basta makabili
mag-eksperimento, gawin ay sari-saring luto
gayat-gayatin, ilaga, pag kumulo'y ihango
o kaya naman sa noodles, patatas ay ihalo
o gawing French fries, pangmeryenda, kahit di ilako
ang mahalaga ngayon, may patatas na sasagip
lalo na't may pandemya'y may pagkaing halukipkip
ang makapaghanda ng wasto'y walang kahulilip
pamilya'y di magugutom o kung solo'y may kipkip
kung patatas ay makasagip, aming pasalamat
at nakatulong siya sa panahong di masukat
- gregoriovbituinjr.
08.08.2021
Linggo, Agosto 8, 2021
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagngiti
PAGNGITI palaging ngumiti, ang payo sa cryptogram na isang palaisipan sa pahayagan dahil bĂșhay daw ay isang magandang bagay at kayraming dap...
-
KALAT AT DUMI animo ang kalsada'y luminis ang nasabi sa akin ni misis bagyong Carina na ang nagwalis gabok, basura't dumi'y inal...
-
SALIN NG AKDA NI HEMINGWAY nakita kong muli sa munti kong aklatan akda ni Hemingway sa buhay-karagatan ang "The Old Man and the Sea&qu...
-
paglalaba'y panahon ng pag-iisip ng akda samutsaring isyu't problema'y suriin ng diwa kukusutin ang kwelyo'y may sasaglit ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento