mag-isa akong nanguha ng panggatong sa gubat
nang magamit sa pagluluto kung gasul na'y salat
animo'y puno ng elena ang kahoy sa bigat
sinibak ang mahahaba ng buong pag-iingat
pagsisibak ng kahoy ang nakita kong gagawin
nang hinawan ang gilid ng natatabingang saging
kung hahawanin ang gubat sa dawag nitong angkin
lalagyan ko ng dampa't paligid ay tatamnan din
habang nasa lockdown, may bagong mapaglilibangan
maghahawan at tatamnan ang munting kagubatan
isa pa itong hakbang para sa kinabukasan
at magsusulat sa gagawing dampang pahingahan
magsibak at magtanim sa panahong kwarantina
habang binabasa ang kaunting aklat na dala
tila paraisong malayo sa mga problema
na animo ako'y matagal nang namamahinga
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa Buwan ng Wika
SA BUWAN NG WIKA kinalulugdan ko / ang Buwan ng Wika na sa bawat pintig / niring puso'y handa nang muling sumuong / sa anumang sigwa mai...

-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
PAGDALAW SA MGA BILANGGONG PULITIKAL sumama kami tungong bilibid binisita ang mga kapatid at kasamang doon nangabulid pamaskong handog ang i...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento