kanina'y nagtanim ng talong sa karton ng gatas
lalagyang karton na nilagyan ko naman ng butas
ginupit ang isang bahaging ngayon nakabukas
nilagyan ng lupa't pataba, kaygandang mamalas
sa lupa't patabang pinaghalo'y aking tinanim
ang binhi ng talong habang langit ay nagdidilim
may nagbabadyang unos, alapaap ay maitim
sana'y lumago ang talong nang walang paninimdim
kartong lagayan ng gatas na imbes ibasura
ay gamitin upang tamnan ng talong na kayganda
balang araw ay may aanihin, kaysarap pala
sa pakiramdam, at di magugutom ang pamilya
habang lockdown pa'y halina't magtanim-tanim tayo
sa karton, lata ng sardinas, o plastik na baso
sa walang lamang lalagyan imbes ibasura mo
para sa kinabukasan ay may anihing totoo
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Napanalunang aklat
NAPANALUNANG AKLAT nakinig ako sa zoom nilang talakayan hinggil sa mga aklat, mula pamantasang Ateneo, Kagawaran ng Filipino at sa pa-raffle...
-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...



Walang komento:
Mag-post ng isang Komento