kung ako'y mamatay, nais kong masawi sa laban
ayokong mamatay nang tahimik lang sa tahanan
mananatili akong tibak hanggang kamatayan
nais kong mamatay sa prinsipyo't paninindigan
kung ako'y mamatay, ayokong mamatay sa sakit
kundi sa pakikibakang obrero ang gumuhit
ayokong mamatay sa ospital, biglang pipikit
kundi sa labanan gaano man ito kalupit
buti't sa digma'y mamatay tulad ni Archimedes
na may pormula sa matematikang kinikinis,
nilulutas, sa likod n'ya'y tumarak ang matulis
na espada ng isang sundalong di makatiis
ayokong mamatay sa gutom sa gitna ng digma
na kaya namatay dahil sa laban ay tulala
ayokong mamatay sa kanser, aksidente't sigwa
kundi sa labanan, lagyan man sa ulo ng tingga
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Hinahampas ng bagyong Uwan ang bahay ni Juan
HINAHAMPAS NG BAGYONG UWAN ANG BAHAY NI JUAN matapos ang bagyong Tino na nanalasang tunay na higit dalawang daang katao na'y namatay nga...
-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento