pakiramdam ko'y di tao, lalo na't walang wala
walang ambag sa mga bayaring nakakalula
walang diskarte sa kwarantinang nakakakuba
walang matanaw na pag-asang di ko matingkala
tila ba buhay na ito'y puno ng kasawian
lalo't walang kita, palamunin, pabigat lamang
masipag man sa gawaing bahay, wala rin iyan
dapat may kita't mag-ambag sa pangangailangan
magbigay upang mabayaran ang kuryente't tubig
pati sa pambili ng bigas, di pulos pag-ibig
buti't di ako lasenggero, tagay lang ay tubig
buti't di rin isang batugang laging nasa banig
masipag akong alipin, iyan ay kita nila
masipag akong sampid, naglalampaso tuwina
masipag akong palamunin, lalo't walang kita
masipag akong pabigat, ginagawa ang kaya
- gregbituinjr.
Lunes, Hulyo 6, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paglutang ng saksi
PAGLUTANG NG SAKSI sa komiks na Bugoy ni Mang Nilo sa dyaryong P.M. mababasa mo ang usapan ng dalawang pulis hinggil sa paglutang daw ng wit...
-
KALAT AT DUMI animo ang kalsada'y luminis ang nasabi sa akin ni misis bagyong Carina na ang nagwalis gabok, basura't dumi'y inal...
-
SALIN NG AKDA NI HEMINGWAY nakita kong muli sa munti kong aklatan akda ni Hemingway sa buhay-karagatan ang "The Old Man and the Sea&qu...
-
paglalaba'y panahon ng pag-iisip ng akda samutsaring isyu't problema'y suriin ng diwa kukusutin ang kwelyo'y may sasaglit ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento