huwag mong gibain ang pinto, may tao't may tae
na sabi ko sa nangalampag na isang babae
natawa na lamang siya't paumanhin ang sabi
tinanggap ko namang agad ang kanyang pagsosori
sa isip-isip ko'y marahil masakit ang tiyan
baka lumabas na ang kumukulo nitong laman
ang tiyan pag kumulo'y pilipit din ang katawan
tila ba ang kubeta'y kanlungan ng kaligtasan
mabuti't dalawa ang kubeta, dalawang pinto
tigisang inidoro pag ikaw ay nasiphayo
naroon sa trono ang ginhawa pag nakaupo
pag nailabas ang dapat, sakit na'y maglalaho
nadama mong naibsan ka ng tambak na problema
bilin ko, huwag gibain ang pinto ng kubeta
aralin mo rin ang katawan mo't anatomiya
upang pag sumakit ang tiyan ay di mag-apura
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kurakot na balakyot
KURAKOT NA BALAKYOT (alay sa unang Black Friday Protest 2026) bakit ang pondo sa ghost flood control sa bulsa ng trapo'y bumubukol buwi...
-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento