inulam ko muli kaninang umaga'y kamatis
na paborito ko raw kaya maganda ang kutis
walang anumang tagiyawat, ang mukha'y makinis
ang sabi nila, kahit kili-kili ko'y may pawis
minsan, nangunguha ng kamatis na sumisibol
sa bakuran o kaya'y sangkilo nito'y gugugol
sa palengke, mura sa ngayon, kahit ako'y gahol
di ko na iyon niluluto't sayang pa ang gasul
kakainin ng hilaw, sa sarap mapapasipol
gagayating malilinggit, isasawsaw sa toyo
wala kasing bagoong na dapat nito'y kahalo
ito'y uulamin namin nang may buong pagsuyo
kamatis lang, mawawala ang gutom at siphayo
habang sa sarap nito'y may tula ring mahahango
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paksâ sa madaling araw
PAKSÂ SA MADALING ARAW ako na'y may tulâ paggising sa madaling araw kayrami kasing ideyang sa diwa'y nagsilitaw samutsaring paksâ, g...
-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
PAGDALAW SA MGA BILANGGONG PULITIKAL sumama kami tungong bilibid binisita ang mga kapatid at kasamang doon nangabulid pamaskong handog ang i...


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento