ngayong lockdown, bituka ng bangus na'y niluluto
tulad ng pinulutan noon naming mga lango
piprituhin o aadobohin bago ihango
inulam ko ngayon upang sa gutom ay panagpo
hahatiin sa lima ang katawan nitong bangus
lima kami sa pamilyang dito'y makakaraos
tigigisang hiwa habang bituka'y aking lubos
ayaw nila nito kaya ako na lang ang uubos
may kasama namang atay at apdo ang bituka
ng bangus, piprituhin at sasarapan ng timpla
palutungin, lagyan ng toyo't sukang pampalasa
kung wala kang patawad, hasang ay isama mo pa
animo'y namulutan kahit wala namang alak
iulam sa kanin at mabubusog ka sa galak
nagamit ang natutunan sa inuman sa lambak
aba'y kung may tagay lang, tiyak kang mapapaindak
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Panagimpan
PANAGIMPAN nanaginip akong tangan ang iyong kamay ngunit nagmulat akong wala palang hawak alas-tres ng madaling araw na'y nagnilay kung ...
-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG AKLAT KO'T KAMISETA mga akda ni Ka Popoy ay sinalibro habang suot ang kamisetang may litrato ni Lean Alejandro , pawang magigitin...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento