minsan, matapos kumain, sa kubeta tatambay
magbabawas na tangan ang kwaderno't plumang taglay
magpapahinga roong diwa'y nagbubulay-bulay
at inaalagata ang umimbulog na lumbay
bakit tila nakikipagbuno sa pagkasawi
ng pusong inalipin ng pagbabakasakali
habang nakaupo sa tronong tila hubong hari
dapat tulad ng saranggola'y habaan ang pisi
kailangan ng tubig sa timba't mayroong tabo
huhugasan ang puwet habang diwa'y narahuyo
sa diwatang ginunita ng may pagkasiphayo
ngunit bakit ang gripo'y biglang nawalan ng tulo
kaysarap kumatha habang nagsasalsal ng diwa
habang nakikipagniig sa dumalaw na mutya
lalabas sa kubetang pawisan at putlang-putla
tangan ang papel na may nabuong magandang tula
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Salamat sa mga kasama sa AMKP
SALAMAT SA MGA KASAMA SA AMKP ako'y taospusong nagpapasalamat sa Alyansa ng Maralita para sa Katiyakan sa Paninirahan , pagkat lider-ma...

-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
ANG MAKATANG CIRILO F. BAUTISTA AT AKO Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binasa ko ang talambuhay ng makata't manunulat na si ...
-
PAGDALAW SA MGA BILANGGONG PULITIKAL sumama kami tungong bilibid binisita ang mga kapatid at kasamang doon nangabulid pamaskong handog ang i...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento