kaylakas ng bagyo'y kumakatha
habang naglalaro yaring diwa
habang tinititigan ang baha
habang paligid ay basang-basa
palutang-lutang ang mga plastik
at naglaglagan ang bungang hitik
mga basurang puno ng putik
ang sa isipan ay tumititik
basang-basa ang buong sampayan
luray-luray ang nasa isipan
kinatha'y di mo basta matingnan
baka mabasa'y sinapupunan
kaytindi ng bagyong nagngangalit
pati diwa ng mamang makulit
kinakatha ang mga pasakit
upang sa papel ay ibunghalit
pagkabagyo'y puno ang alulod
habang lumilikha ng taludtod
sa saknong ay itinataguyod
ang kaisahang di naaanod
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Naninilay
NANINILAY baka magdyanitor na sa ospital paraan ng pagbabayad ng utang para lang kay misis na aking mahal para may iambag kahit munti man la...
-
KALAT AT DUMI animo ang kalsada'y luminis ang nasabi sa akin ni misis bagyong Carina na ang nagwalis gabok, basura't dumi'y inal...
-
#123 Partido Lakas ng Masa (PLM) partylist numero Uno-Dos-Tres ay ating pakatandaan para sa Partido Lakas ng Masa, atin iyan ang P.L.M. part...
-
SALIN NG AKDA NI HEMINGWAY nakita kong muli sa munti kong aklatan akda ni Hemingway sa buhay-karagatan ang "The Old Man and the Sea...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento